Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis may say kay JM De Guzman, “hindi nadaanan ng malaking suwerte”

Nagbahagi ng kaniyang kumento si Lolit Solis patungkol sa husay ni JM De Guzman sa pag acting

Nagbigay kumento ang showbiz columnist na si Lolit Solis patungkol sa kapamilya actor na si JM De Guzman.

Kwento nito na napanood umano niya ang isang episode kung saan bida si JM De Guzman at nagalingan siya sa akting na ipinakita nito.

“Napanuod ko ang isang episode kung saan si JM de Guzman ang bida, Salve. Ang galing palang umarte ni JM de Guzman at ang mga mata niya very expressive,” panimula nito.


Ikinuwento pa nito na mahusay si JM na bumato ng dialogue at malakas ang screen presence, ngunit nagtataka umano siya kung bakit tila hindi ganoon katunog ang pangalan niya kumpara sa ibang mga dramatic actor ngayon.

“Mahusay din siya bumato ng dialogue at malakas ang screen presence niya. Nagtataka ako kung bakit hindi siya kasing sikat ng ibang drama actor gayun nasa kanya naman halos lahat ng quality ng isang puwede maging big star.”

Nasabi tuloy nito na kung minsan daw talaga ang swerte ay nagiging mapili ng pupuntahan nito, ay marahil ay hindi raw nadaanan si JM.

“Talagang iyon suwerte kung minsan namimili ng pupuntahan. Siguro nga hindi nadaanan ng malaking suwerte si JM de Guzman pero tiyak ako na tatagal siya sa showbiz dahil taglay niya lahat ng quality ng isang mahusay na actor.

“Pagdaan uli ng suwerte, salubungin mo agad JM at huwag mong bitawan, para maging shining big star ka na. Puwedeng puwede ka, promise,” hirit nito.

Ngunit tila taliwas naman sa nasabi ni Lolit ay maituturing na bigating artista si JM De Guzman, patunay dito ang pagiging top rating ng mga seryes niya.

Ilang beses na ring nakatanggap ng nominasyon ng Best Actor si JM De Guzman para sa kaniyang pag arte kung saan ang ilan dito ay naipanalo pa niya.



Lolit Solis may say kay JM De Guzman, “hindi nadaanan ng malaking suwerte”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments