Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Viy Cortez para sa anniversary nila ni Cong: “kuntento ko sa ano mang meron tayo”

Masayang ibinahagi ni Viy Cortez ang larawan nila ni Cong ngayon 7th anniversary nila

Nag si-celebrate ng kanilang 7th Anniversary ang mga sikat na sikat na social media influencer at mag jowang sina Viy Cortez at Cong Tv o Lincoln Velasquez.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Viy Cortez ang mga larawan nila ng partner na si Cong kung saan makikita ang kanilang pagmamahalan.

Bilang bahagi nga ng kanilang anniversary ay nagbahagi ito ng mensahe sa ka-partner niya dahilan upang kakiligan sila ng netizens.


Ang couple nga ang isa sa pinaka hinahangaang social media influencer ng marami dahil sa pagiging magaan, masaya at unproblematic ang kanilang pagsasama lalo pa ngayon at nasa gitna sila ng mga hiwalayan ng ibang mga sikat na influencer.

Kinaaliwan at kinatuwaan ng netizens ang mensahe niyang nagsasabing walang magarang regalo ang makapagpapasaya sa kanila ngayong anniversary nila.

“Walang espesyal na handa wala sa espesyal na lugar di naka ayos walang magagandang regalo pero sobrang saya at kuntento ko sa ano mang meron tayo mahal lalo na paparating na ang anak natin,” panimula ni Viy.

“Maraming salamat sa pitong taon mahal lagi mo sakin pinaparamdam na ako lang sapat na sapat na,” dagdag pa nito.

“Happy anniv mylove sa mga susunod na anniv natin may tabachingching na bata na tayong kasama,” nakakatuwang hirit pa nito.

Sa sumunod pa na post nito ay nagpasalamat ito sa Diyos dahil sa magandang anniversary nila na ngayon kasama nila si Kidlat kumpara sa nakaraang taon.

“Salamat Lord sa regalo mo sa amin ni Cong. Tunay na naririnig at nakikita ng Diyos ang mga sakit na ating nararamdaman.

“Last anniv namin umiiyak kami ni cong at hinihiling namin na sana ibalik na samin si kidlat. sa sobrang bait ng Diyos ngayong anniv namin kasama na namin si kidlat,” kwento ni Viy.

Sa isa pang sunod na post niya ay ibinahagi niya ang litrato nila ni Viy sa isang malawak na lupain at may caption na, “Our future”. Pahiwatig na dito itatayo ang kanilang future house.

Read related here:

Cong TV at Viy Cortez, masayang ibinalita ang pagkakaroon ng baby!



Viy Cortez para sa anniversary nila ni Cong: “kuntento ko sa ano mang meron tayo”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments