Nagkuwento si Gerald Anderson patungkol sa naging Love scenes nila ni Ivana Alawi sa seryeng ‘A Family Affair’
Nitong Martes lamang May 31 ay naganap ang mediacon para kay Gerald Anderson para sa upcoming teleseryeng ‘A Family Affair’.
Nakatakda itong umere ngayong Hunyo kung saan makakasama niya sina Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake at sa kaniyang unang pagbibidahang seye, Ivana Alawi.
Sa nasabing mediacon ay natanong ng press si Gerald Anderson patungkol sa kaniyang karakter na si ‘Paco’ na siyang magiging asawa ng karakter naman ni Ivana na si ‘Cherry Red’.
Sa ilang mga tanong nga ng press ay napunta ito patungkol sa pagiging agresibo ng serye pagdating sa ilang love scenes, patunay na dito ang ilang clips sa kanilang trailer kung saan mapapanood na ikinasal ang mga karakter nina Gerald at Ivana.

Naitanong ng ilang press si Gerald patungkol sa naging love scenes nila ni Ivana kung nagkaroon nga ba ng ilangan sa pagitan nilang dalawa.
“Well paano ba.. uhmm bilang isang aktor.. nakailang love scenes na rin ako, It’s always a challenge kung paano ibahin ito.. yung kahit simpleng pagtingin sa kaniya.
“Kung paano ko aanuhin yung buhok niya or hahawakan ko yung balikat niya, kailangan iba kung paano ko nagawa dati.
“Iyon din yung challenge pag medyo sunod-sunod din ang trabaho, It’s always a challenge and It’s something syempre yung audience natin… gusto mo bigyan sila ng ibang klaseng (scene),” ani Gerald.

Matapos nito ay ikinuwento niya kung papaanong inalagaan o inalalayan niya si Ivana sa naturang love scene, lalo pa’t napaka professional umano nito sa mga ginagawa niya.
“Ilangan? uhmm… Ivana is very professional, Itong love scene na ito mahirap para sa kaniya.. kasi medyo exposed siya in a way, mahirap siya talaga bilang babae.
“Trabaho namin na alalayan siya make sure na feel niya safe siya, nagpa tugtog pa ng music si Direk.. as her partner don sa eksena, inaalalayan ko para hindi (siya) ma over exposed.
“Very passionate at napaka professional, alam ko deep down inside talaga gustong gusto ni Ivana yung ginagawa niya kahit na mahirap but kita mo na gusto niya,” paliwanag ni Gerald.
Watch the full interview here:
Gerald sa love scenes nila ni Ivana; “very passionate at professional siya”
Source: Babaero Balita


0 Comments