Sa pagbabalik ni Anne Curtis, bashers sinabing alisin na si Kim sa programa?
– Hindi pinalagpas ng mga bashers ni Kim Chiu ang kasiyahang naganap sa It’s Showtime family upang siya ay batikusin muli
– Nitong nagdaang Sabado nga ay nagbabalik na si Anne Curtis bilang host ng nasabing programa at ang ilan ay sinasabing dapat ay tanggalin na si Kim
– Sinabi naman ni Ogie Diaz na hindi tatanggalin si Kim Chiu dahil kabilang na ito sa pamilya ng Showtime at hindi lang panakip butas sa pagkawala ni Anne
Nagpaalab ng It’s Showtime stage ang ‘pambansang diyosa’ na si Anne Curtis pagkatapos nitong magperform sa kanyang pagbabalik sa ‘Showtime’ kung saan isa siya sa mga main hosts kabilang ang kanyang BFF na si Vice Ganda.

Hindi nagpa-awat ang Kapamilya star dahil hindi lamang ito nag-trending sa Twitter, kundi gumawa rin ito ng ingay sa iba’t-ibang news platforms at mga entertainment sites.
Nagawan pa nga ng meme ang isang eksena niya dahil sa tila pag mamaldita nito in a good way sa kanyang unang araw ng pagbabalik.
Sa kabila nito, hindi naman maganda ang ihip ng hangin para kay Kim Chiu na binabatikos ng netizens dahil pinapaalis na siya ng kanyang mga basher sa Showtime ngayong bumalik na si Anne—tuwing Sabado nga lang.
‘Double time’ rin ang kanyang mga bashers sa pag-iingay kahit wala naman itong masamang ginagawa ngunit sa halip, ‘bet na bet’ siya ng mga avid viewers dahil sa kanyang nakakatuwang hosting.

Nilinaw naman ni Ogie Diaz na hindi sisibakin si Kim sa naturang programa dahil bahagi na ito ng pamilya ng Showtime at hindi ginawang panakip-butas lang sa pag-alis ni Anne dulot ng panganganak.
“Ayun na nga, si Kim Chiu ngayon, ay hindi naman aalisin. Mananatili pa rin si Kim Chiu. Hindi naman panakip-butas lang si Kim Chiu ni Anne Curtis dahil winelcome si Kim Chiu bilang ‘newest addition’ sa It’s Showtime family,” pahayag ng showbiz manager.
“Mas maganda nga ‘yun, mas matibay, mas malakas na pwersa ng It’s Showtime,” dagdag pa ni Ogie. Sinabi rin naman nito na mas sasaya ang programa dahil sa dalawang ‘taklesa’ sa noontime show.
Taklesa in a good way naman ang banggit niya kay Kim at Anne dahil sila ang paghuhugutan ng Unkabogable star sa mga ‘havey’ jokes nito.
Kim Chiu, tatanggalin na sa It’s Showtime? Ogie Diaz, may ibinunyag patungkol dito
Source: Babaero Balita


0 Comments