Nagbigay ng mensahe si JM De Guzman sa mga tagasuporta niyang naniniwala sa galing niya
Humingi ng sorry ang kapamilya actor na si JM De Guzman sa lahat ng patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kaniyang kakayahan bilang artsita.
Sa nagdaang episode ng morning talk show na ‘Magandang Buhay’ ay nakapanayam nila Melai, Jolina at Judy Ann ang kapamilya actor na si JM De Guzman.
Dito ay nagka-usap ng masinsinan sina JM at Judy Ann patungkol sa husay ni JM sa pag-arte na talagang hinahangaan ni Juday.
Inihayag ni Juday ang labis na pag hanga niya sa angking husay at galing ni JM sa pag arte at inihambing ito sa ilang artista dahilan upang bahagyang mahiya si JM at kiligin na rin sa mga nasabi sa kaniya ng nag-iisang Pinoy Soap Opera.

“Walang halong bola, alam mo kapag ang artista kapag dama niya sa puso niya ‘yung ginagawa niya,” hirit na papuri muli ni Juday kay JM.
“Marami ka namang makikita na in-acting at itinawid lang. Ito (sabay turo kay JM) simula pa lang ng karera niya, hindi ko man siya nasubaybayan, may mga napapanood ako sa kanya, nakukuha niya ako sa isa, dalawang eksena.
“Kaya natutuwa ako na you are finally back and I do really hope that you are back for good,” sunod sunod na paliwanag nito.
Naitanong naman ni Juday kung napatawad na ba ni JM ang sarili sa mga nagawa nito sa nakalipas na taon na siyang naging dahilan ng pansamantala niyang pagkawala sa showbiz.

“Opo naman pero ‘yun ang mahirap na process na kailangan kong gawin,” mabilis na sagot nito.
Sa huli ay hiningian ni Juday ng mensahe si JM sa kung ano ang masasabi niya sa kaniyang mga tagahanga na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kaniya.
“Una kong gusto kong sabihin sa fans ko at sa mga naniniwala sa akin na I apologize kung medyo shaky ako. Nagkakamali ako minsan, walang rason doon, wala akong excuses doon.
“Pero I am really trying my best, to do my best to entertain you, to give my best foot forward to make you happy and to at least inspire you and I will continue to do so.
“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng support,” ani JM para sa mga taga suporta niya.
JM humingi ng sorry sa fans: “Nagkakamali ako minsan, Pero I am really trying my best”
Source: Babaero Balita


0 Comments