“I actually have plans of going back to the (United) States by the end of next month or early August because I’m gonna start pursuing an acting course before I do acting gigs there,”
Pagkatapos pumirma sa record label ni James Reid na Careless Music dito sa Pilipinas, babalik sa Amerika ang aktres na si Liza Soberano para sumabak sa mas maraming workshop para pagbutihin ang kanyang pag-arte.
Sinabi ni Liza sa mga mamamahayag noong Lunes na saglit lang siya sa Pilipinas at babalik siya sa katapusan ng Hulyo o unang bahagi ng Agosto sa Amerika.

“I actually have plans of going back to the (United) States by the end of next month or early August because I’m gonna start pursuing an acting course before I do acting gigs there,” saad ng aktres sa isang panayam.
Ayon kay Liza, tanggap niya ang reyalidad na magkaiba ang istilo ng pag-arte sa banyagang bansa kumpara dito. “Before I take on a role, I wanna make sure that I’m fully equipped with the right set of tools to be able to portray my characters the best in America because I do accept the reality that acting here is a lot different than the acting style in America,” aniya.

“I just wanna make sure that before I present myself to anyone over there, I kind of more or less have the type of acting chops that they need,” dagdag niya.
Naging headline ang Kapamilya actress noong Mayo nang ihayag ng kanyang dating talent manager na si Ogie Diaz na siya ay pinamamahalaan na ngayon ni James Reid, na bahagi ng US-based Transparent Arts group na may mithiing iangat at makilala sa Holywood ang mga Asian-American talents.

Ngayong hayag na sa publiko ang kanyang paglipat ng talent management, naging mas bukas si Liza tungkol sa kanyang desisyon na subukan at simulan ang isang potensyal na karera sa United States.
“I would say to just go for it,” tugon ng aktres ng matanong kung ano ang kanyang maipapayo sa kanyang kapwa Asian talents na nagnanais magkaroon ng matagumpay na karera sa Amerika.
Liza Soberano, nais baguhin ang istilo ng pag-arte upang maging swak sa Hollywood
Source: Babaero Balita


0 Comments