Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Angel Aquino, hangang-hanga kay Mega sa kanyang eksena sa Ang Probinsiyano

Ibinahagi ni Angel Aquino ang labis na paghanga niya sa ngayo’y co star niyang si Sharon Cuneta

Bilang isa sa mga beteranong miyembro ng cast ng primetime hit series na FPJ’s Ang Probinsyano, ibinahagi ng aktres na si Angel Aquino, kung gaano siya nagpapasalamat na maging bahagi ng palabas.

Nasanay na ang 49-year-old actress, na gumaganap bilang Heneral Diana Olegario, na magtrabaho kasama ang mga bagong co-stars na sumasali sa cast taun-taon.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na niya naitago pa ang kanyang labis na paghanga para kay Sharon Cuneta.


Sa kanyang pinakabagong post sa Instagram, ibinahagi ni Angel kung gaano niya hinangaan ang talento ni Sharon onscreen. “I am on fan mode again. Couldn’t resist watching her from the monitor because I read this on the script.

“The scene was painfully quiet and long and she had to sustain her tears but I know how tired and probably emotionally drained she already was at that point. It was a heavy day for Mega.

“Yet magic still unfolded before my eyes; it was captivating. Her emotions were so real I could taste her tears and hold her pain.

“Lucas (Joseph Marco) was amazing too. He made good use of what Mega gave him and in the end they created an excellent, heart wrenching scene.

“Ang husay ni Mega.. ang husay ng lahat.. dito sa Probinsyano, lagi akong starstruck,” ang tila proud na pagbabahagi ni Angel.

Bilang single mom sa kanyang dalawang anak na sina Iana at Thea, ibinahagi ni Angel sa nakaraang panayam kung bakit itinuturing niyang malaking blessing sa buhay niya ang Ang Probinsyano.

“Truly grateful. God knows kasi what’s best. So, he knows ‘di ba that I need to provide for the girls, ‘di ba?,” hirit pa niya.

Si Angel ay naging bahagi ng cast ng matagal nang Kapamilya series mula noong 2017. Unang ipinalabas ang Ang Probinsyano noong Setyembre 2015.



Angel Aquino, hangang-hanga kay Mega sa kanyang eksena sa Ang Probinsiyano
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments