Waging wagi ang Kapamilya online live kumpara sa pagsisimula ng Kapuso stream
Tunay ngang hindi na lamang sa Free TV ang malakas na labanan pagdating sa TV Viewing kundi maging sa online ay lumalakas na ang presenysa dito.
Kamakailan lamang ay nagsimula na ring gayahin ng GMA kapuso network ang siyang gawain ng ABS-CBN Kapamilya patungkol sa online streaming.
Matatandaang mahigit sa dalawang taon na ang nakalilipas magmula ng umpisahan ng ABS-CBN ang pagpapalakas ng kanilang online and social media streaming.
Agodto 2020 nang inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Online Live kung saan napapanood ng kapamilya viewers ang mga previous at latest shows ng kapamilya network via love streaming sa social media sites na Facebook at Twitter.

Sa loob ng dalawang taon ay makailang beses na rin itong nagtala ng ilang malalaking record para sa online dahil na rin sa hit seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa katunayan bago pa man opisyal na ilunsad ang Kapamilya Online Live ay nauna ng umere sa Youtube ang pagbabalik ni Cardo.
Sa pagbabalik niyang ito ay nagtala ito agad ng mahigit sa 50,000 concurrent live views o ang sabay sabay na tumutok sa livestreaming.
Makailang beses na pumalo ang concurrent live views ng Ang Probinsyano sa nagdaang taon kung saan na hit nito ang 100k at 200k concurrent live views.

Bukod sa pagbabalik ng Ang Probinsyano ay sobrang hit online rin ang pagbabalik noon ng TV Patrol na pumalo sa mahigit sa 300k concurrent views nila sa facebook bukod pa rito ang sa Youtube.
Sa kasalukuyan pa nga’y minamani na lamang ni TV Patrol ang araw araw na mahigit sa 200k concurrent views mula facebook at youtube, pinaka malaki para sa isang news program sa bansa.
Samantala pumalo na rin sa mahigit 300k concurrent views ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na ilang araw ng nahi hit ang naturang mark.
Ang debut naman ng GMA streaming na Kapuso Stream ay nakapag tala naman ng mahigit sa 1,000 concurrent views o sa madaling salita ay mahaba haba pa ang tatakbuhin bago madikitan ang record na nililikha ng Kapamilya Online Live.
Kapamilya Online Live wins big versus Kapuso Stream’s debut
Source: Babaero Balita


0 Comments