Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

2 Good 2 Be True, pasok na sa Top 10 TV show ng Netflix PH para sa year 2022

Hinigitan ng 2 Good 2 Be True ang ilang bigating series ng Netflix gaya ng Bridgerton at Manifest

Patuloy na bumabasag ng record ang pinakabagong teleserye ng King and Queen of hearts nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bukod sa magandang TV ratings na pinapamalas nito ay tunay ding pinag-uusapan gabi gabi ang episodes nito na nagti trending sa twitter.

Maganda rin ang record na nilalatag nito pagdating sa Kapamilya Online Live na nagtatala ng malking concurrent views matapos ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.


Maging ang kanilang iWant TFC viewership ay nagtatala rin ng kagilagilalas na record dahil sa consistent itong nasa Top 3 weekly rankings. Ngunit ang pinakamalaking achievement na naitala (as it is still showing) nito ay ang kaniyang Netflix showing dahil sa kamangha-manghang viewership nito.

Sa katunayan pa’y naukopa agad nito ang No.1 spot ng Daily Top 10 TV Show sa pilot episode pa lamang ito at nagtuloy-tuloy hanggang sa second week nito.

Tulad naman ng inaasahan ay nasipa ito ng higly anticipated series na ‘Stranger Things’ sa No.1 spot sa debut week nito ngunit tila hindi nito napanindigan ang No.1 spot dahil matapos ang isang linggo lamang ay nabawi agad ito ng ‘2 Good 2 Be True’.

Magpasa hanggang ngayon nga ay nanatiling matatag sa No.1 spot ang show dahilan upang maukopa na rin nito agad ang yearly ranking ng Netflix.

Sa inilabas na datos ng Flixpatrol ay inukopa na ng ‘2 Good 2 Be True’ ang No.6 spot sa Yearly top 10 ranking ng TV Shows sa Netflix.

Ang naturang ranking ay ranking ng mga TV shows na ipinalabas mula ng magsimula ang taon hanggang sa kasalukuyan sa Netflix.

Kasalukuyan pa lamang na umeere ang ‘2 Good 2 Be True’ at mahigit isang buwan pa lamang ito sa ere ngunit nagtatala agad ito ng ilang malalaking records.

Sa katanuyan pa nga ay nahigitan pa nito sa naturang yearly ranking ang ilang naglalakihang show ng Netflix kabilang na ang ilang korean drama.

Ilan sa mga TV shows na hinigitan nito ay ang Manifest, Inventing Anna, Our Beloved Summer, Thirty Nine at Bridgerton. Halos kadikit naman niya ang hit korean series na ‘All of Us are Dead’ na isang ranking lamang ang pagitan nila na nasa Top 5 ngayon.



2 Good 2 Be True, pasok na sa Top 10 TV show ng Netflix PH para sa year 2022
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments