Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Nadine kay VP Leni: “I’m still here to stand by her”

Sa kabila ng pagkatalo sa halalan, Nadine Lustre patuloy na maninindigan para kay VP Leni Robredo

Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na natagalan bago niya natanggap ang naging resulta ng halalan nitong nakaraang buwan.

Binigyan diin din ni Nadine na ipinagmamalaki pa rin niya si Vice President Leni Robredo dahil ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para makatulong sa mga tao sa kabila ng pagkatalo niya sa kanyang 2022 presidential bid.

“Honestly, who wouldn’t be sad naman di ba? I was also a bit disappointed. It took me a while before I got to like accept it just because of course she is someone that you believe in,” saad ng aktres sa mga reporter noong Lunes.


“She is who you were rooting for, di ba? I mean, I’m very respectful with everyone’s decisions but siyempre, everyone was so invested in it and it’s like mixed energies from everyone else and all the people around me who believe in the same candidate as me,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Nadine ay natutuwa siyang makita ang outgoing Vice President na nagpapatuloy sa kanyang mga pagsisikap na makatulong sa bansa, at papanindigan niya parin ang kanyang pagsuporta para dito.

“Grabe ‘yun. Naalala ko nung election I was nervous for a couple of days before and after so it was really stressful but at the end of the day I guess it is what it is but I’m really happy that Madam Leni is not taking a break,” wika ng aktres.

“She is doing whatever she can and I’m still here to stand by her,” dagdag pa niya.

Noong Abril 10, bukas sa publikong inendorso ni Nadine ang Robredo at Pangilinan tandem sa harap ng humigit-kumulang 220,000 katao sa Pampanga.

Kabilang ang aktres sa mga naging aktibong celebrity supporters nina Robredo at Pangilinan, dalawang beses na nagtanghal sa kanilang mga rally at nagbida sa isang meme-themed video endorsement na sumusuporta sa bise presidente.

Tinaguriang “president” si Nadine ng kanyang mga tagahanga sa gitna ng kanyang mga hakbangin na tumulong sa LGBT community at kamakailan lamang sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Siargao.



Nadine kay VP Leni: “I’m still here to stand by her”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments