Hindi na nga ba nauwi sa magandang relasyon ang dating nina Diego at Franki?
Tila napaka bilis ng mga pangyayari pagdating sa showbiz/entertainment world sa ating bansa partikular na sa usaping pag-ibig ng mga sikat na personalidad.
Malalaman na lamang natin na mag jowa na ang mga dati’y nagkaka link lamang hanggang sa isang araw ay hiwalay na rin agad.
Mayroon pa ngang iba na matapos ang pagpapakasal na ikinakilig ng marami ay mauuwi rin lang pala sa isang masakit na hiwalayan.
Tila ito naman ang kinakaharap ng ngayon kontrobersyal na magka partner na sina Diego Loyzaga at ang ex PBB housemate na si Franki Russel na kamakailan lamang ay umaming nagkakamabutihan na sila at kasalukuyang nasa dating stage na.

Pumutok ang kanilang pagkaka link sa isa’t-isa matapos na mapansin ng netizens ang mga sweet photos nilang dalawa na na i post nila at na delete rin agad, ngunit mabilis ang mga marites kaya na save agad ang mga litrato.
Noong unang tanungin si Diego ukol sa kanilang dalawa ay pinabulaanan nito na may namamagitan sa kanila, bagkus ay magkaibigan lamang.
Ilang araw lamang makalipas na itanggi ni Diego ang lahat ay inamin niyang nagkakamabutihan na sila ni Franki at nasa dating stage na.
“We had so much in common, and so we were talking a lot and we were like, ‘We should catch up some time,” paunang hirit noon ni Diego.

We really did click so I would definitely say that right now, we’re dating,” ang tuluyang pag-amin na ni Diego ng relasyon nila ni Franki.
Ngunit kung gaanong kabilis na itinangi at inamin noon ni Diego ang namamagitan sa kanila ni Franki ay ganun din kabilis ang tila pagtatapos ng kwento nila.
Napansin kasi ng netizens ang pag a unfollow nilang dalawa sa isa’t-isa sa kani-kanilang Instagram account.
Mahigit sa dalawang linggo lamang ng inamin ni Diego ang namamagitan sa kanila ngunit ngayon ay tila hindi na magkakilala matapos na mag unfollow sa isa’t-isa! Hmmmm napakabilis naman ng mga pangyayari.

Read related here:
Totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Barbie, idinetalye na ni Diego Loyzaga
Diego Loyzaga, nagsalita na patungkol sa totoong estado ng relasyon nila ni Franki Russel
Barbie Imperial, natagpuan ang bagong pag ibig kay Diego Loyzaga
Dating stage nina Franki at Diego, hindi maganda ang wakas?
Source: Babaero Balita


0 Comments