Pinatutsadahan ni Madam Inutz ang ilang nagmama asim sa kaniyang bagong jowa
Sa latest vlog ng kinagigiliwan ng marami na si Madam Inutz ay nagbahagi ito ng kaniyang mensahe sa ilang tagapasuporta niya partikular na patungkol sa kaniyang jowa.
Kamakailan lamang ng ibahagi ni madam Inutz ang patungkol sa kaniyang buhay pag-ibig na natagpuan nga niya sa kasalukuyang jowa niya ngayon.
Ngunt kapansin-pansin ang ilang kumento na tila bina-bash ang boyfriend niyang si Tantan, ang iba pa nga’y inaakusahan ito na ginagamit lamang si Madam Inutz para sa pera.
Pinuna rin ng ilang netizens ang pagiging Macho dancer umano nito, dahilan upang mas lalong isipin ng iba na peperahan lamang umano nito si Inutz o Daisy Lopez sa totoong buhay, sa kaniyang vlog nga ay inilabas ni inurz ang hinanakit niya sa mga sinasabing ito ng netizens.

Pahayag nito na nalulungkot siya sa mga kumento ng netizens sa jowa kahit pa wala pa naman itong ginagawang masama
“Wala tayong karapatan (manghusga). Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganu’n karumi, is ganu’n klase ng trabaho, kumbaga, peperahan ka na,” pahayag ng komedyana patungkol sa pagiging Macho dancer ng jowa.
Hirit pa ni Inutz na ganun din naman siya nagsimula, ang pagiging entertainer sa isang bar, “Alam n’yo naman si Madam Inutz is nagtatrabaho din sa bar, naging entertainer din ako.
“Pero nakita niyo kung gaano kalaki yung puso at saka pagtingin ko sa pamilya. So, ganoon kami ni Tantan. Kumbaga, nagkaroon kami ng similarity,” pagtatanggol pa niya sa dyowa.

“Kahit anong klase ng trabaho, hindi mo dapat ikahiya. So, hindi niya dapat ikahiya iyon at hindi ko dapat ikahiya kung saan ko nakilala.
“Never ko ikinahiya naging entertainer ako. Never ko ikinahiya na kung ano man ang klase ng trabaho ko kasi trabaho iyan, At least, nagsusumikap, kumikita ng sarili nilang pera at sinusuportahan ang pamilya,” diin pa niya.
Nagsalita rin ito hingil sa hirit ng iba na malamang ay pinagkakaperahan lamang siya nito at nagpapagamit lamang siya.
“Hindi po tayo gumagastos sa lalaki. Nagkataon lang na kaming dalawa, mayroong similarity,” hirit ni Madam Inutz.

“Hindi ako ganoon kabobo, hindi ako ganoon kagago, or hindi ako ganoon katanga para magpagamit. Siguro naman nasa tamang edad na ako.
“Baka kasi iniisip niyo sobrang pagkatanga ko, hindi ko muna kinikilala yung tao. At the moment, ini-enjoy namin yung kung ano yung samahan naming dalawa,” dagdag pa niya.
Samantala sa naturang vlog din ay nagsalita mismo si Tantan sa ilan pang netizens na kinukuwestiyon naman ang kaniyang kasarian.
“Lalaki ako. Straight 100 percent. Di naman ako nagi-guilty kasi hindi naman totoo,” depensa ng dyowa ni Madam Inutz.
Read related stories here:
Sa kabila ng pagmumura, Madam Inutz Daisy isa pa lang mapagmahal na anak at ina
Wilbert pinuna ang pagboto ni Madam Inutz kay Brenda para maligtas?
Chie Filomeno inaming walang sama ng loob kay Madam Inutz: “She’s still one of my Big 4”
Madam Inutz may patutsada sa namba-bash sa jowa, “Hindi ako tanga para magpagamit”
Source: Babaero Balita


0 Comments