Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Bugoy Carino nagtatago noon sa CR ng hospital para sa panganganak ni EJ Laure?

Ikinuwento ni Bugoy Carino ang ilang mga napagdaanan niya noong naging batang ama siya

Sa latest vlog ng kapamilya brodkaster na si Karen Davila ay nakapanayam niya si Bugoy Carino at dito ay napag-usapan nila ang panahon kung saan manganganak na si EJ.

Ibinahagi ni Bugoy ang mga hirap na pinagdaanan niya bilang isang batang ama lalo pa’t 16 pa lamang siya ng mabuntis niya si EJ.

Ikinuwento nito ang nakakalungkot na pangyayari noong kinakailangang magpa check up ni EJ sa kaniyang pagdadalang tao.


Hindi umano naranasan ni Bugoy na makasama si EJ sa pagpapa check up dahil sa natatakot itong makita siya ng ilan at makilala, “Alam n’yo po, Miss Karen, yung pinakamasakit sa akin na part sa pagiging tatay, kunyari pag tsine-check-up si EJ, kapag tsine-check-up siya, di ba dapat, kapag tatay ka, kasama ka?

“Itse-check mo yung heartbeat, itse-check mo yung baby, itse-check mo yung hitsura niya, yun yung hindi mo magawa.,” pagsisimulang bahagi ni Bugoy.

“Parang doon ako nalungkot na parang kapag nakakanood ako sa Facebook na mga video ng tatay na kasama nila yung asawa nilang manganganak, doon ako nalungkot. Sabi ko, ganu’n pala talaga ano, ang unfair kasi hindi pa kami magkasama kasi bawal po ako makita sa ospital.”

Dito ay naikuwento na rin niya ang ilang kaganapan ng pagtatago umano niya sa loob ng CR sa tuwing bibisitahin niya ito sa hospital.

“Kapag dumadalaw po ako kay EJ noong nasa ospital na siya, ginagawa ko po, naka-mask ako, tapos naka-hood. Nakikilala pa rin po ako ng tao pero hindi ko na lang po pinapansin, kasi hindi naman nila alam na si EJ yung nasa kuwarto ng ospital.

“So, kapag nandu’n po ako sa ospital, may papasok na nurse, na doctor, magtatago ako sa CR. So, kung gaano katagal yung nurse, yung doctor, ganun din ako katagal sa CR.

“May time na isang oras yung doktor, so ako sa CR, isang oras din ako ‘tapos naka-jacket pa ako. Tine-text ko na si EJ, sabi ko, ‘Beb, di pa ba matatapos ‘yan? Sobrang init na dito, kulob na kulob na ako naka-jacket pa ako,’” kuwento nito.

Ikinuwento na rin nito ang napagdaanan patungkol sa pinansyal na aspeto noong nanganak si EJ at kinailangang magbayad sa gastusin.

“Ang magbabayad po talaga sa ospital ay dapat, yung team ni EJ which is yung Foton. Sila dapat magbabayad. Dito ko lang po sinabi yun.”

“Nalaman ko na yung team yung magbabayad, pinigilan ko. Sabi ko, ‘Bakit po kayo yung magbabayad? Kayo po ba yung tatay ng baby?’

“Parang sabi nila, ‘Hindi, gusto lang namin tulungan kayo ni EJ.’ Sabi ko, ‘Hindi po, okay na po kami. Ako po dapat ang gagawa ng way para makabayad kami,’” paliwanag pa nito.

Buti na lamang daw at mayroon siyang ipon noong nasa ABS-CBN pa lamang siya, “Kasi sa ABS meron kaming savings kapag minor ka. So, yung savings po na yun, yun po yung pinambayad ko, kasi medyo malaki din po kasi caesarian si EJ, e.

Medyo malaki rin po binayaran namin, 300 (thousand). Sabi ko, ako yung tatay, lalaki ako, dapat ako yung magbabayad. Hindi po puwedeng ibang tao kasi ako gumawa niyan, e. Dapat ako rin magpapakahirap sa bayaran, di ba? So okay naman, ako po yung nagbayad talaga,” ani Bugoy kay Karen.

Ilinuwento pa nito ang ilang hirap na pinagdaanan matapos na makapanganak ni EJ, “Honestly, sobrang hirap, wala po akong work, hindi po ako nakikita sa TV. So, parang iniisip ko sa sarili ko na, ‘Kilala pa kaya ako ng tao? Magkakapera pa kaya ako?’

“Iniisip ko po kasi bata pa po ako, ‘tapos gusto ko pa po makatulong sa family. Tapos, yun yung time po na saktong sakto na bago po mag-pandemic, nakapagpatayo po ako ng mineral station so yun po yung first business ko, du’n po ako nabuhay.”

Dinagdag na rin nito ang pagiging online seller niya na sa kabila ng ilang pamba bash na nakuha niya ay naging malaking tulog para sa itinataguyod niyang pamilya.

Sa lesson naman na natanggap niya sa mga pangyayaring ito, “Yung para maging responsable ako, mas naging mature yung pag-iisip ko po. Una sila bago ako.

“Ang sarap pala pag inuuna mo yung family mo. Lahat ng mga nawala sa akin, si Scarlet yung bumalik, sobra pa. Kaya sobrang thankful po ako kay God kasi di ko alam paano siya papasalamatan, sobrang blessed naming tatlo,” pahayag ni Bugoy.

Read related here:

Bashers nilait si EJ Laure tinawag na pangit, Bugoy Cariño ipinagtanggol ang partner

Bugoy Cariño inaming naisip ipalaglag noon ang anak, “bata pa ko nun”



Bugoy Carino nagtatago noon sa CR ng hospital para sa panganganak ni EJ Laure?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments