May mensaheng ibinahagi si Jake Zyrus para sa amang pumanaw na
Nagbigay pugay ang mang aawit na si Jake Zyrus sa kaniyang ama nitong nagdaang Father’s Day sa pamamagitan ng isang mensahe.
Sa kaniyang facebook account ay nagbahagi ito ng larawan ng kaniyang ama kaakibat ang madamdaming mensahe niya para rito.

Hiniling nito na sana ay kasama pa nito ang ama at humingi ng lakas upang mapatatag pa niya ang kaniyang sarili.
“Sana nandito ka. Turuan mo pa ako ng mga bagay-bagay. Patatagin mo pa ako,” panimula niya.

Ikinuwento rin nito na kagaya ng ama ay magkakaroon din siya ng sarili niyang pamilya at nangako itong ipaparamdam niya sa magiging pamilya niya ang pagmamahal na ipinaramdam din nito sa kaniya.
“Someday, magkakaroon ako ng sarili kong pamilya at ipaparamdam ko sa kanila yung pagmamahal katulad ng naibigay mo sa amin kahit na maigsing panahon lang.”

“Watch over me. Medyo mabigat ang bukas. Pero alam kong nandyan ka lang. Salute!”
“Happy Father’s Day, Dad,” pagbati ng singer.
Kamakailan lamang ay naging laman ng balita ang pamilya ni Jake dahil sa magkakasunod na pagpanaw ng ilang miyembro ng pamilya niya sa kaniyang mother side.

Read related here:
Jake Zyrus galit na naglabas ng saloobin sa pagkukumpara sa kaniya sa dating siya na Charice
Ina at kapatid ni Raquel Pempengco pumanaw na, Jake Zyrus walang paramdam sa ina?
Cristy, may reaksiyon kay Jake Zyrus: “Hindi ka paliligayahin ng pagpapanggap…”
Jake Zyrus sa pagbabalik tanaw sa ama; “Sana nandito ka. Patatagin mo pa ako”
Source: Babaero Balita


0 Comments