Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Cristy Fermin nanawagan sa sama-samang pagdadasal para kay Kris Aquino

Nagbahagi ng update si Cristy Fermin kaugnay sa pagpapagaling ni Kris sa Amerika

Sa isa sa mga nagdaang showbiz update ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ay nagbahagi ito ng update patungkol kay Queen of All media Kris Aquino.

Kamakailan lamang nga ay lumuwas na papuntang amerika si Kris upang doon na ipagpatuloy ang kaniyang pagpapagamot.

Namaa-alam pansamantala sa kaniyang mga taga suporta si Kris sa kaniyang huling post sa Instagram kaakibat ang pagpapasalamat sa mga ito sa pagdarasal upang gumaling siya.


Samantala isiniwalat naman ni Cristy Fermin mula umano mismo sa kaniyang source ang ilang update para sa pagpapagaling na ito ni Kris Aquino, isiniwalar nitong hindi pa pala nagsisimula sa kaniyang gamutan ang queen of all media.

“Isang source ko po ang nagkuwento na ito ‘yung hospital nasa kabilang building (muwestra) sa isang facility dahil kailangan muna niyang sumailalim sa eksaminasyon ng kanyang vital signs. Kailangan naman talaga ‘yun,“ bungad na kuwento ni Cristy.

“So, Ate Cristy hindi pa nasisimulan ‘yung gamutan?,” hirit na tanong ni Morly na co host niya sa kaniyang Youtube showbiz vlog.

“Vital signs muna tsine-tsek up muna kung anong kaya o anong hindi. Unang-una si Kris hindi puwede sa stereoids. Ang epekto sa kanya ng stereoids, nabibiyak-biyak ‘yung kanyang balat, nanghihina, bumabagsak,” sagot ni ‘nay Cristy.

Hirit naman ni Romel na isa pa sa mga co host niya, “Kung baga ‘nay, hinold muna siya ro’n para tingnan kung saan sila (mga duktor) magsisimula.”

“Oo, kasi baka may sumablay di ba ate Cristy?” sambit ni Morly na sinangayunan ni Cristy saka nanawagan upang sama-samang ipagdasal si Kris.

“Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig at nakararating sa langit,” panagawagan ni Cristy para sa lahat.

Ikinuwento na rin nito ang naging paglipad ni Kris patungong Texas na inabot umano ng milyones ang gastos na okay lamang daw upang mapaganda na ang kalusugan nito.

Read related stories here:

Lolit naiyak sa liham na ipinadala sa kaniya ni Kris Aquino: “Be kind to her, Love her”

Kris Aquino patungo na ng Amerika upang magpa-galing; “Time is now my enemy”

Lolit Solis sa mahabang gamutan ni Kris Aquino; “Fighting Kris, kaya mo iyan!”



Cristy Fermin nanawagan sa sama-samang pagdadasal para kay Kris Aquino
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments