Ibinahagi ni Bugoy ang naging plano nila noong pagpapalaglag sa anak nila ni EJ nang malamang nagbubuntis ito
Sa latest YouTube vlog ng brodkaster na si Karen Davila ay itinampok nito ang childstar noon na ngayon isa nang ama na si Bugoy Cariño.
Dito ay napag-usapan nila ang ang pagiging batang ama niya sa kasagsagan pa mismo ng pagsisimula niya sa karera niya sa showbiz.
Isiniwalat niya pa rito na noong unang beses umano nilang nalaman ang pagkakaroon nila ng anak ng kasintahang si EJ Laure ay naisip nila itong ipalaglag.
Pag-amin nito na noong malaman nila ito ay 21 years old si EJ at kasikatan din nito sa paglalaro ng volleyball kaya naman tuliro sila at hindi niya alam ang dapat na gawin niya, “‘Yun ‘yung time na parang ‘yung career ko is pataas na nang pataas so parang na-confuse ako sa sarili ko. Naisip ko na parang ang aga pala talaga.

“Nawala lahat sa akin, so masakit din sa part ko na nu’ng naging tatay ako, ‘yung family ko hindi ko na masyado natulungan,” simulang pahayag ni Bugoy.
“Una po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang yung baby. Parang , hindi ko alam na buhay pala yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something.
“Sabi ko sarili ko, o sige para lang mabalik yung career ko. Alang-alang sa family ko para makatulong ako talaga nang sobra at para mabalik yung mga shows na ibinigay sakin. Yung tiwala sa akin ng ABS, sige, ipalaglag na lang,” dagdag pa nito.
Ngunit ilang araw lamang makalipas na makuha nila ang balita ay tila nahimasmasan umano siya at napagtantong mali ang kanilang naiisip na pagpapalaglag sa kanilang anak.

“Kapag pinalaglag ko pala ito, parang itong yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko,” saad nito at sinabing pinanghugutan niya ng lakas ng loob sina EJ at ang magiging anak nila upang umamin sa pamilya niya.
“‘Bunso, kapag yan pinalaglag mo ang bata, huwag mo na kong tawaging tatay. Pag pinalaglag mo yan, di ka tunay na lalaki,’” ito umano ang mga katagang narinig niya mula sa ama ng umamin sila at sabihing naisip din nilang ipalaglag ito.
Matapos umano ang pag-amin nila ay tinanggap din nila ang naging galit ng pamilya ni EJ na kalauna’y natanggap din ang hindi inaasang balita.
Samantala patuloy namang ipinagtatanggol ni Bugoy ang partner niyang si EJ mula sa mga bashers na patuloy ding pinupukol ng masasamang kumento hingil sa naging relasyon nila.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng netizens ang lahat na menor de edad pa lamang si Bugoy ng mabuntis niya si EJ Laure, kaya naman si EJ ang sinisisi ng marami dahil sa maagang pagiging ama ni Bugoy.
“Nakikita ko po ‘yung mga sinasabi ng mga tao na dapat kasuhan si EJ, kasi nga minor ako, hindi naman po sila ‘yung magkakaso e, dapat ako ‘yung magkakaso kay EJ kasi ako ‘yung minor.
“Pinili ko po na gusto ko maging masaya na lang. Gusto ko na maging parte ng buhay ko si EJ. Hindi ako masisisi ng tao. Hindi masisisi si EJ ng mga tao kung bakit di pinigilan ang sarili. Ako po talaga ang may gusto kay EJ.
“So, sabi ko sa kanya, ‘wag mo na pansinin. Pagdating naman ng panahon wala na yan eh. Magbabago din isip nila,” pahayag pa nito.
Nawala man sa showbiz si Bugoy ay naitaguyod naman niya ang kaniyang pamilya lalo pa’t pumasok ito sa pag bi business na siyang pinagkulunan nila ng araw araw na gastusin sa buhay.
Read related here:
Bashers nilait si EJ Laure tinawag na pangit, Bugoy Cariño ipinagtanggol ang partner
Bugoy Cariño inaming naisip ipalaglag noon ang anak, “bata pa ko nun”
Source: Babaero Balita


0 Comments