Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Dimples, inanyayahan para maging hurado sa 2022 International Emmys

Ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana sa social media na nakakuha siya ng imbitasyon na maging isa sa mga hurado para sa 2022 International Emmys.

Ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana sa social media na nakakuha siya ng imbitasyon na maging isa sa mga hurado para sa 2022 International Emmys.

Masayang inanunsiyo ng aktres, na nagdadalantao ngayon sa kanyang ikatlong anak, ang magandang balita sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Lunes.

“Starting this amazing week with a heart full of gratitude as I share with you one of the many surprise blessings I received these past months! And now finally I can officially share my joy with you.


“So honored and grateful to have been able to participate as a JUROR for this year’s prestigious International Emmy Awards Competition. I’m super kilig!!!,” ani ng aktres sa kanyang post.

Sinabi ng aktres na hindi na siya makapaghintay na dumalo sa 50th International Emmy Awards sa New York sa Nobyembre.

“I thank the International Academy of Television Arts & Sciences for letting me have this once in a lifetime experience that has truly inspired my thespian heart. Contributing in selecting the BEST TELEVISION programming from around the WORLD was both my honor and pleasure,” dagdag ni Dimples, na malapit nang manganak ngayong darating na Hulyo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naimbitahan si Dimples na maging hurado. Noong Hulyo 2020, naimbitahan din siyang maging isa sa mga hurado sa 48th International Emmy Awards.

Itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na aktres si Dimples sa kanyang henerasyon. Kamakailan lamang ay napanood siya sa seryeng “Viral Scandal,” na natapos noong Mayo lamang.



Dimples, inanyayahan para maging hurado sa 2022 International Emmys
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments