May hirit na kumento si Whamos sa naging kumento sa kaniya ni Xian Gaza patungkol sa pagbubuntis ng partner niyang si Antonette Gail
Viral at usap-usapan ngayon ang pagbabahagi ng magandang balita ng social media influencer na si Whamos ang pagdadalang tao ng partner niyang si Antonette Gail.
Sa facebook page ni Antonette ay ibinahagi nito ang video kung saan sinurpresa niya ang partner na si Whamos sa magandang balita.
Ibinigay nito ang dalawang pregnancy test kit kung saan may resulta na ito at positibo nga ang pagdadalang tao niya.
Hindi naman mapagsidlan ng tuwa si Whamos matapos na makita ang mga pregnancy test at mabilis na niyakap si Antonette, “Ayun guys may blessing na dumating sa atin.., sa lahat ng blessings ito yung pinakamaganda para sa amin… Magkaka baby na kami guys,” sambit pa ni Whamos.

Sa naturang video pa nga ay pinangunahan na agad ni Whamos ang mga mamba bash sa kanila, “Sa mga basher, go lang.. i bash niyo lang kami,” sabi nito.
Agad din namang ipinamalita nina Whamos ang magandang balita sa kanilang buong pamilya na labis din ang kasiyahan dahil dito.
Samantala sa kaniyang facebook account ay ibinahagi ni Christian Albert Gaza ang naturang balita sa kaniyang showbiz page na Isyus.
Shinare ni Xian Gaza ang balita kaakibat pa ang side comment niya na, “JUSKO HUWAG NAMAN SANA NIYA MAGING KAMUKHA ANG BATA IN JESUS NAME”.

Sa comment section ng post niyang ito ay may inihirit pang muli si Xian Gaza bilang reply sa isa mga nag comment sa post niyang iyon.
“Masaya ako kung magiging kamukha nung babae, parang yung anak ko. Huwag sana parusahan habambuhay yung bata juskolord kaawaan nawa,” ani Xian Gaza.
Tila nakarating agad kay Whamos ang naturang post ni Xian at nagkumento ito ng, “Yon nga din boss ehh ayaw ko din talaga makamuka ko baby ko ang sagwa,” sabi nito.
Ni replyan naman agad ito ni Xian Gaza at sinabing, “Hahahahaha I like you. Honest ka.”

Whamos inaming ayaw maging kamukha nito ang anak niya?
Source: Babaero Balita


0 Comments