Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

KathNiel ini-issue na naman na hiwalay na raw, may katotohanan ba?

KathNiel inisyu na naman na hiwalay na raw dahil sa isang blind item, ano nga ba ang katotohanan?

Tila hindi na matapos tapos ang mga isyu ng hiwalayan ng mga sikat na personalidad, mapa showbiz man o social media influencers.

Matapos nga ang hiwalayan ng ilang mag-asawang mga artista hanggang sa mga sikat na social media influencers at maging mga musikero ay hindi nagsasawa ang pinoy sa ganitong uri ng kwento.

Kamakailan lamang nga ay naging usap-usapan ang madamdaming hiwalayan nina Moira Dela Torre at asawa nitong si Jason Hernandez.


At nitong nagdaang araw lamang ay binulabog muli ang buong social media ng panibagong balita hingil sa di-umano’y hiwalayan ng dalawang sikat na personalidad dahil sa blind item na inilabas ng kontrobersiyal na website na ‘Fashion Pulis’.

Sa ibinahaging artikulo at blind item ng Fashion Pulis ay ibinalita nito ang paghihiwalay ng dalawang sikat na personalidad dahil sa third party umano.

Kwento ng FP na matagal na ang dalawang magka loveteam pa di-umano at mahal na mahal ng kani-kanilang fans at kapamilya.

Ngunit kamakailan lamang umano ay nasira ang kanilang matatag na pagmamahalan matapos na malaman ng girlfriend ang pang loloko umano ng kaniyang boyfriend.

Ang mga initials na ibinigay pa ni FP sa kaniyang artikulo ay tila kadikit sa mga pangalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, dahilan upang isipin ng ilan na KathNiel ang pinatutungkulan ng blind item.

Ngunit kasabay ng naturang blind item ang pagkaka release ng panibagong YouTube vlog ni Kathryn Bernardo kung saan magkasama sila ni Daniel Padilla sa kanilang Thailand tour.

Hindi kakikitaan ng anumang tila pag aaway o hindi pagkakasunduan ang dalawa sa kani kanilang social media accounts para pag-isipang may lamat na ang relasyon nila.

Sa kaniyang twitter account pa ay nagbahagi ng nakuha niyang impormasyon ang showbiz reporter na si MJ Felipe patungkol sa KathNiel.

“Spoke to two very reliable sources close to Kathryn & Daniel. Netizens have been mentioning the couple after a blind item, coincidentally with their initials, came out that a certain loveteam have decided to call it quits. Both sources vehemently denied the rumors,” buong tweet ni MJ.

As a KathNiel fan hindi na bago ang ganitong isyu, tila nga taon taon na lamang ay ini isyu sina Kathryn at Daniel sa umano’y hiwalayan nila.

At sa bawat isyu ng umano’y hiwalayan nilang dalawa ay patuloy na mas tumitibay ang kanilang pagsasama kaya naman isang dekada na ang kanilang pagmamahalan.

Matapos ang isyu na ito, makalipas lamang ang isang taon ay tiyak na may lalabas na namang isyu o blind item na hiwalay na naman sa tila ika-sampung pagkakataon ang KathNiel!!, Taon taon na lang talaga?

Manood na lamang tayo ng kanilang hit na hit seryeng ‘2 Good 2 Be True‘ na patuloy na namamayagpag bilang Local series sa Netflix at iWant TFC, at sa Kapamilya Online Live, Kapamilya Channel, A2Z at TV5.



KathNiel ini-issue na naman na hiwalay na raw, may katotohanan ba?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments