Naibahagi ni Jodi Sta. Maria ang pagka proud niya bilang isang Kapamilya
Tila proud at masayang ibinahagi ni Jodi Sta. Maria ang pagiging loyal niya sa ABS-CBN ngayong bumabangon na muli ang Kapamilya network.
Hindi naman na nga lingid sa kaalaman ng marami ang pagsasara ng ABS-CBN bilang isang Free TV network noong taong 2020.
Sa kasagsagan ng pandemya ay tuluyang napaso ang prankisa ng ABS-CBN dahilan upang mapilitan silang mag shut off via Free TV.
Kasunod pa ng pagkapaso ng prangkisa ay ang hindi nito pagkaka renew mula sa kongreso ng ito ay mapag-usapan, na umabot pa ng mahigit sa 12 hearings at sa huli ay hindi na renew ang prangkisa, dahilan upang mag retrence ng mahigit sa limang libong empleyado.

Sa kabila ng pangyayaring ito ay tila bumabangon na ang ABS-CBN sa kawalan ng prangkisa, patunay dito ang pagpapalakas ng kanilang presensiya online.
Ito ang isa sa mga bagay na ikinatuwa ni Jodi Sta. Maria na aniya sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay nananatili itong matatag.
“I think siguro, hindi naman natin ginusto siyempre na nawalan tayo ng franchise, di ba?,” panimula ni Jodi sa pag kuwento niya ayon sa report ng Pep.
“Pero, I think, parang it’s really a blessing in disguise because kahit nawala tayo sa free TV, tayo ang nag-pioneer sa digital kasi tayo ang first sa Asia, and I think that’s a blessing.”

Nang matanong si Jodi patungkol sa kung ano ang bagay na natutunan niya sa pagiging loyal noya sa ABS-CBN Kapamilya network.
“I think it’s also during the hardest times kung saan mo makikita kung sino ang mga taong talagang nandiyan para sa iyo.
“And I guess for most of us na who stuck it out with the station, kumbaga, we were given the opportunity to prove our love and loyalty to ABS-CBN, may prangkisa man o wala, may free TV man o nasa digital.”
Mahigit sa 24 years na ring nananatiling kapamilya star si Jodi Sta. Maria at makailang beses na ring bumida sa ilang malalaking serye ng ABS-CBN.
Jodi Sta. Maria proud na isang kapamilya, ‘Love and Loyalty’ ibibigay niya sa ABS-CBN
Source: Babaero Balita


0 Comments