Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Bryan Termulo malaki ang utang na loob sa ABS-CBN kahit nasa ibang bansa na siya ngayon

Ibinahagi ni Bryan Termulo ang malaking utang na loob at pasasalamat niya sa ABS-CBN

Patuloy na tinatanaw ng loob ni Bryan Termulo ang malaking tulong ng ABS-CBN para mabigyan siya ng pangalan sa larangan ng musika.

Ito ang taas noong sinabi ni Bryan Termulo sa ginanap na mediacon kamakailan lamang para sa kaniyang bagong single na “Heart That You Break”.

Sa kasalakuyan ay naka base ang singer sa Amerika at dito ay patuloy niyang nililinang ang kaniyang talento sa pagkanta.


Dito ay isiniwalat niyang sa kabila na wala na siya sa talent arm ng ABS-CBN na Star Magic at ngayon nga’y nasa ibang bansa na siya ay tinatanaw niya ng malaking utang na loob ang Kapamilya dahil sa nagawa nito sa kaniyang career pagdating sa musika.

Tinagurian kasing “Prince of Teleserye Theme Songs” ng Kapamilya Network si Bryan dahil sa mahusay niyang pagkanta sa ilang themesongs ng kapamilya serye.

“ABS as a whole, wala silang ginawang masamang tinapay sa akin, puro mga good things pa nga ang nagawa nila sa akin.

“Never kong ino-omit yung ‘Prince of Teleserye Theme Songs of ABS-CBN’ kasi dun naman talaga nag-start,” pagsisimula ng kwento ni Bryan.

At saka inamin nitong thankful talaga siya sa ABS-CBN dahil dito, “I am very thankful to Kapamilya network. It makes me who I am today,” ani Bryan.

Patuloy niya: “Kaya nga ang lagi kong pinagpi-pray na sana baka naman siguro it’s time para bumalik na yung franchise ng ABS.

“I personally pray for them dahil ang dami din naman talagang naapektuhan. Nung 2020, nag-shutdown ang ABS, di ba?

“Ito rin yung kinonsider ko kung babalik ako sa Pilipinas. Since lockdown din dito sa America, e, lockdown din naman sa ABS, parang naapektuhan din ako, ang daming naapektuhan.

“Sana bumalik yung franchise kung ibibigay ng current administration dahil mayroon tayong bagong Presidente. Sana ma-consider nila talaga na buhayin ang ABS kasi iba talaga ang reach ng Kapamilya dito sa America.”

via Philippine Entertainment Portal



Bryan Termulo malaki ang utang na loob sa ABS-CBN kahit nasa ibang bansa na siya ngayon
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments