Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Lolit Solis sa mahabang gamutan ni Kris Aquino; “Fighting Kris, kaya mo iyan!”

Muling nagbahagi ng mensahe si Lolit Solis ngayong dumadaan na sa mahabang gamutan si Kris Aquino

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi muli ng kaniyang mensahe ang showbiz columnist na si Lolit Solis hingil kay Kris Aquino.

Kamakailan lamang nga ay isiniwalat ni Kris na kinailangan na niyang lumipad patungong Amerika para sa mahabanag gamutan na kailangan niya.

Matapos na magpasalamat sa mga kaibigan at ilang fans na nanalangin para sa mabilis na pag-galing niya ay isiniwalat niyang oras na ang kalaban niya ngayon.


“Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery.. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart… For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok,” bahagi ng mensahe ni Kris.

Dahil dito ay napa react ngang muli si Lolit Solis at humiling na nawa’y makayanan ni Kris ang lahat at magamot pa siya.

“Sana naman magamot na si Kris Aquino sa US, Salve. Sana naman kayanin niya mga medical procedures at tanggapin ng katawan niya ang mga gamot para sa kanyang paggaling.”

Isiniwalat pa nito na malamang ay anxious ang nararamdaman ngayon ni Kris lalo pa’t malayo siya sa mga mahal niya sa buhay.

“Sure ako na feeling anxious siya dahil nasa malayo at wala sa paligid ang mga lagi niyang kasama. Pero alam ni Kris Aquino na talagang kailangan niya ang mahabang gamutan para mabalik sa dati ang health condition niya.

“Very prayerful si Kris, at sa dami din ng mga natulungan niya na tiyak na ipinagdarasal siya, baka magkaruon ng miracle at gumaling siya.

“Let us pray more for Kris Aquino, too young to be suffering, at para narin sa mga anak niyang si Joshua at Bimby, na kailangan pa ang guidance at pagmamahal niya. Fighting Kris , kaya mo iyan ,” mensahe ni Lolit.



Lolit Solis sa mahabang gamutan ni Kris Aquino; “Fighting Kris, kaya mo iyan!”
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments