Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Jake sinupalpal ang netizen na inutusan siyang mag jowa na lamang ng lalaki

Sinagot ni Jake Cuenca ang isang netizen na tila inuutusan siya sa kung ano ang dapat niyang gawin sa buhay pag-ibig niya

Hindi pinalagpas ni Kapamilya actor Jake Cuenca ang isang netizen kung saan tila inuutusan siya sa kung ano ang dapat na gawin niya pagdating sa buhay pag-ibig niya.

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng litrato nila ni Iza Calzado si Jake Cuenca bilang pagpupugay sa kanilang pagkakaibigan at bagong proyekto na rin.

May bago siyang serye kung saan katambal niya si Iza Calzado para sa Viu Philippines na may titulong ‘K Love’, at ibinahagi nito ang pasasalamat kay Iza sa isang masayang lock in taping nila.


“We call each other “loveteam”. I just want to say thank you to @missizacalzado for making this past month of filming so smooth and satisfying. It wasn’t easy jumping from set to set and I wasn’t at my best coming into this but you certainly brought out the best in me and made the whole process so fun and enjoyable for the both of us.

“Thank you for being the amazing human being you are to everyone on the set and thank you for being the best leading lady anyone could ever ask for,” ani Jake sa kaniyang post.

“Thank you @viuphilippines @bigbadbawang @iantakahashi @corinnavistan @direklauren for the opportunity it’s so much fun working on this. Truly a blessing,” dugtong pa nito.

Agad naman itong sinagot ni Iza Calzado, “Loveteam, pinaiyak mo ako, Thank you for this beautiful and heartfelt tribute,” panimula nito.

“It is only natural for me to care for you because you do the same for me and everyone on set. I sent you a proper thank you via voice note na so won’t say everything here but allow me to publicly express my love and repsect for the human being that you are. Grateful for you, Loveteam.”

“Hassle naman kasi ngayon kailangan ko paghandaan tribute post ko sa’yo. Shet. Hahaha! Miss you already!” pahabol pa ni Iza.

Sa kabila ng goodvibes post ni Jake Cuenca ay tila may isang netizen ang siyang nag kumento ng kaniyang naiisip para kay Jake.

“Sa susunod na lovelife mo @juancarloscuenca lalaki naman jowain mo malas ka sa babae sayang pang-asawa ka na sana haha,” ani ng netizen.

Hindi naman na pinalagpas ni Jake ang naturang kumento at sinupalpal din ito at sinabihan niyang kung mang to troll lang din naman ay maglagay sana ng litrato.

“Sa susunod mong troll account mag-post ka naman ng photos para pwede ka namin pagtawanan,” ani Jake.

Nag reply pa ang naturang netizen at sinabing, “Boss wag galit agad hindi naman ako nangba-bash, napansin ko lang kasi puro break ka lagi baka malay mo sa lalaki ka talaga lods,” na siyang hindi naman na pinansin pa ng aktor.



Jake sinupalpal ang netizen na inutusan siyang mag jowa na lamang ng lalaki
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments