Ikinuwento ni Angeline ang pinagdadaanan niya na kagaya ng ilang Ina
Ibinunyag ng kapamilya singer na si Angeline Quinto na kagaya ng ilang Ina ay nararanasan din niya ang tinatawag na post-partum depressi*n.
Sa ibinahagi ng singer ay hindi pa naman ito nagpapatingin sa doktor ngunit sa tingin niya ay ito na nga ang kaniyang nararamdaman sa kasalukuyan.
“Nag-guest ako sa ‘Magandang Buhay,’ sabi nga nila ‘yung post-partum daw. Sabi ko paano malalaman kung mayroon akong post-partum after kong manganak?” pahayag ni Angeline matapos na maka panayam ng Star Magic Inside News.

“Minsan daw hindi mo talaga alam ‘yon. So may mga pagkakataon po na bigla akong iiyak, ‘di ko alam kung ano ang dahilan. Minsan ‘yung papa ng baby ko, galit ako sa kanya, ‘di ko rin alam ang dahilan.
“Minsan may time na in love na in love ako. May time na tuwang-tuwa ako sa kanya. Sabi ng manager ko baka ‘yan na yung isa sa post-partum na tinatawag. Hindi ko po alam talaga,” mahabang paliwanag ni Angeline.
Hindi naman niya inaalis na parte talaga ito ng pagiging isang Ina at ine embrace na lamang niya ang kaniyang mga emosyon na tila paiba iba kada araw.
“Minsan naiisip ko hindi madali, pero kapag nakikita ko ang anak ko, lahat ‘yon nakakalimutan ko. Nakakalimutan ko ang hirap, nakakalimutan ko ang pagod at ‘yun nga ang dami ko pang gustong malaman at maintindihan sa pagiging mommy. At lahat naman ‘yan ay ready ako na matutunan lahat for baby.

“Ang pinaka-challenging ‘yung lagi akong puyat. Minsan natataranta ako kapag biglang umiiyak ‘yung baby. Minsan kapag pinaliliguan mo siya, ‘di mo alam kung may mali ba sa paraan ng pagpapaligo ko.
“Pero thankful din at blessed sa mga nanay na nandiyan, ‘yung mga nanay na malapit sa akin. Mayroon akong mga kaibigan na mommies din. So kapag mayroon akong hindi naiintindihan, sila ‘yung tumutulong sa akin lalo na for Sylvio, sa anak ko,” aniya pa.
“After na nawala ni Mama (Bob), hindi ko na alam kung ano ang purpose ko sa buhay. May mga work ako pero hindi ako masaya. Gusto ko muna mag-stop sa trabaho ko pero feeling ko nung time na ‘yon baka mas lalo akong mag-isip, mas lalo akong malungkot kung hihinto ako sa work.
“So pinilit kong magtrabaho kahit nahihirapan ako. Wala pang one year dumating si Sylvio, umalis si Mama may ibinigay na baby sa akin. Sabi ko talagang binabalanse ng Diyos ang nangyayari sa buhay natin. At sobrang thankful ako ngayon na nandiyan si Sylvio.
“Sa ngayon ang dami kong pangarap. Ang dami kong mga plano sa buhay ko, dati hindi naman. At siyempre bukod sa sarili ko lahat ay ginagawa ko ngayon for Sylvio at sa binubuo naming family,” ang mahaba ngunit makahulugang kwento ni Angeline.
Angeline ibinunyag na inaatake siya ng post-partum; “Bigla na lang akong iiyak”
Source: Babaero Balita


0 Comments