Ibinunyag ni Moira na bukod sa hiwalayan nila ng asawa ay may pinagdadaanan pa itong ibang problema
Nitong pagpasok pa lamang ng Hunyo ay naging usap-usapan na ang kapamilya singer na si Moira Dela Torre dahil sa buhay pag-ibig niya.
Ibinunyag ni Jason, ang asawa ni Moira, ang mutual decision nilang mag-asawa na maghiwalay na matapos lamang ang mahigit sa tatlong taon mula nang magpakasal.
Matapang inamin ni Jason na siya ang nagkaroon ng pagkukulang at pagkakamali sa kanilang relasyon at labis ang paghiningi niya ng tawad dito maging sa mga nasasaktan sa nagmamahal kay Moira.
Matapos ang ilang araw na tila pananahimik patungkol sa isyu ay nagpa unlak na ng guesting si Moira sa ‘Magandang Buhay’ kung saan ikinuwento ng singer ang labis na paghihinagpis na pinagdadaanan niya nitong mga nagdaang buwan.

Sa pakikipag kuwentuhan niya kina Regine Velasquez Alcasid, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ay isiniwalat nitong hindi lamang ang hiwalayan nila ni Jason ang pinagdaraanan niya.
Ikinuwento nito ang patungkol sa pagpanaw ng kaniyang malapit na kaibigan na si Joe Henson na ayon sa kaniya ay mahigit sa 12 years na niyang kaibigan.
Bukod pa rito ay ang pagpanaw naman ng kaniyang tito na hindi na niya pinangalanan, maging ang kaibigang driver ay dumaraan din sa malubhang sakit.
“Namatay po ‘yung bestfriend ko, nalaman kong may cancer ‘yung driver ko, namatay ang tito ko,” Pagbabahagi ni Moira.

At dahil dito ay nag shutdown umano siya, “And I didn’t know how I was going to process. Nag-shutdown ako,” dagdag niya.
“Yes, sobra, I guess sa lahat naman ng pinagdaraanan ko sa buhay, ayun ang initial reaction ko. I always say what did I do wrong?”
“Saan ba ako nagkulang? Dati akala ko ang ‘Paubaya’ kanta ko lang, pero tinatanong naman talaga natin lahat ‘yun sa sarili natin. Saan tayo nagkamali, saan tayo nagkulang… hindi lang sa relationships,” dagdag pa nito.
Panoorin ang kabuuan dito:
Moira labis ang paghihinagpis sa magkakasunod na problema sa buhay
Source: Babaero Balita


0 Comments