Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ogie Diaz at BB Gandanghari, nagkaharap na sa Amerika matapos ang alitan

Nagkita na sina Ogie at BB Gandanghari! Nagkaroon nga ba ng maayos na pag uusap?

Masayang ibinahagi ni Ogie Diaz ang magandang balita kaugnay sa kanilang dalawa ng nakasagutan niyang si BB Gandanghari.

Sa isa sa mga latest showbiz update vlog niya ay naikuwento niya ang pagkikita nilang dalawa sa amerika na naging daan ng pagkaka ayos nilang dalawa.

Sa kuwento pa ni Ogie na sa bukod sa pagkakabati nilang dalawa ay nakapag-usap pa ito para maging alaga niya sa nalalapit na pag-uwi nito sa bansa.


“Gusto niyang umuwi pero pag umuwi siya, gusto niya meron siyang work. Para hindi naman pag-uwi niya, e, dalaw lang siya ‘tapos for how many months wala siyang ginagawa,” panimulang kuwento ni Ogie tungkol sa naging usapan nila ni BB.

Kaya naman si Ogie na umano ang nag prisinta na mag manage sa magiging career/raket na ito ni BB sakaling maka-uwi na siya ng bansa.

“Ako magiging ahente niya o agent niya dito, o di ba? Parang kelan lang nagbabangayan, pero ngayon sabi ko, ‘Oo, puwede kitang i-manage.’

“Sabi ko, ‘Pero wala muna tayong kontrata, kasi gusto ko kapag meron ka nang tiyak na proyekto doon kita ikokontrata,” pagbabahagi ni Ogie.

Sa pagpapatuloy ng pagku kwento niya ay ibinahagi niya ang naging pagtatagpo nila ni BB kung saan ikina touch pa umani ni BB.

“Nagkita kami finally nitong si BB Gandanghari. Nagkita kami sa Yard House dito sa L.A. Kami ay nagkahuntahan. Nu’ng magkita kami, nagyakapan kami. Wala nang ano. Walang sorry, walang ano. Yakapan,” paglalarawan ni Ogie.

Ikinuwento pa ni Ogie na super touch si BB dahil nga nag-effort siyang kitain ito, “Sobrang-sobra kaming ano, alam mo na ‘yung magkapatid na matagal hindi nagkita at na-miss ang isa’t isa? Ganoon ang yakapan namin,” nakangiting tsika ni Ogie pero hiling daw ni BB na “no camera” ang kanilang pag-uusap.

“Nag-usap kami almost two hours. Nakakaloka! Tsikahan lang kami nang tsikahan. Sabi ko, ‘Hoy (BB), ha, ako ano mo, tinitira mo ako,’ sabi ko sa kanya. ‘Ikaw, ano, ha, di naman kita tinitira.’”

Sagot naman daw ni BB, “Anong hindi, kinokontra mo nga lahat ng sinasabi ko. Sabi ko, ‘Kinokontra kita, pero hindi kita sinisiraan.’ Tapos sabi ni BB, nakakaaliw ding kausap si BB, ‘E, sinabihan mo ako hindi ako sikat,’” natatawang kwento ni Ogie.

Ganting sagot ni Ogie kay BB, “Sabi ko, ‘Ano ka ba, ako nga sinabihan mong bobo.’ Tapos tawanan lang kami nang tawanan. Alam mo yung ganun, na parang na-miss namin ang isat-isa.”



Ogie Diaz at BB Gandanghari, nagkaharap na sa Amerika matapos ang alitan
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments