Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Isang financially at stable guy, inaasahang perfect partner para kay Kris

Isang eligible, financially stable guy di-umano ang naghihintay sa pagbabalik ni Kris Aquino ayon kay Lolit Solis

Ibinida ni showbiz columnist Lolit Solis ang di-umano’y nasagap niyang balita kaugnay sa buhay pag-ibig ni Queen of All Media Kris Aquino.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit ang kwento kaniyang narinig kaugnay sa isang umano’y eligible, financially stable guy na mayroong crush kay Kris.

“May kumakalat na kuwento Salve na meron isang eligible, financially stable guy ang grabe ang crush kay Kris Aquino,” panimula ni Lolit.


“Infact talaga daw matagal ng dream ng guy na mapalapit kay Kris, at nagkaruon lang katuparan lately dahil na introduced na silang dalawa ng isang common friend. Kung tutoo ang balita, at wish namin tutoo sana, baka ito na ang hinihintay na perfect partner for Kris Aquino.”

Ani Lolit na marahil ito na ang matagal na hinihintay ni Kris Aquino para maging perfect partner niya, lalo’t dumating daw ito sa tamang panahon.

Hindi naman na lingid pa sa kaalaman ng marami ang pagkakaroon ngayon ng malubhang karamdaman nu Kris Aquino.

At ngayon nga ay kasalukuyan pa itong nasa Amerika upang dumaan sa isang mahabang gamutan na huling option na umano niya upang tuluyan ng gumaling.

“Baka ito na ang binigay sa kanya ng mga guardian angels niya para makasama niya for life. At dumating siya sa tamang panahon na kailangan ni Kris Aquino ng isang shoulder to lean on. Perfect timing.

“Sa edad ni Kris siguro naman hindi na siya magkakamali ngayon sa puso, at sa mga nasagap namin balita, talagang eligible good catch bachelor ang nasabing guy.

“Hoping for the best, at wishing the most beautiful relationship this time for Kris. A happy future for Joshua and Bimby,” ani Lolit sa kaniyang buong post.



Isang financially at stable guy, inaasahang perfect partner para kay Kris
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments