Naglabas ng saloobin niya si Lolit Solis kaugnay ng ipinataw na ‘Persona Non grata’ kay Ai Ai Delas Alas ng Quezon City
Nitong nagdaang mga araw lamang ay naging usap-usapan ang pagpapataw ng ‘Persona Non Grata’ kina Ai Ai Delas Alas at Daryl Yap.
Ito ay kaugnay sa idinirek ni Daryl Yap na isang pilitical video kung saan bumida si Ai Ai Delas Alas na tila ginagaya o ini-impersonate si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ayon sa napagkasunduhan ng ilang opisyal ng QC ay marapat lamang na patawan ang dalawa ng Persona Non Grata dahil umano sa pambabastos nila sa seal ng lungsod.
Makikita kasi sa naturang video na nilikha ni Yap at bida si Ai Ai, na ini impersonate si Mayor Joy Belmonte, ang Quezon City seal na tila ginamit at pinatungan ng iba’t-ibang imahe, nilagyan ito ng litrato ng agila at tigre at nilagyan din ng pangalang BBM at Sara.

Kasalukuyan ngang kinikilala ng lungsod na mga persona non grata sina Ai Ai Delas Alas at Daryl Yap o sa makatuwid ay hindi umano welcome sa lungsod.
Sa kaniyang Instagram account naman ay nagbahagi ng kaniyang mensahe ang showbiz columnist na si Lolit Solis kaugnay ng naturang isyu.
“Hayan ang sinasabi ko Salve na dapat, kahit binayaran ka para ikampanya ang isang kandidato, dapat maingat ka at tignan mo ang magiging resulta nito ng pang mahabang panahon.
“Like in the case ni Aiai de las Alas, puwede niya ikampanya ang kandidato niya ng hindi magiging very personal ang atake sa kalaban,” panimula ni Lolit.

Idinugtong pa nito na dahil dito ay tila nag self destruct si Ai Ai at paniguradong tatatak na umano ang kabastusang ginawa niya.
“Parang self destructing na dahil lang sa ibinayad sa iyo, forever ng tatak ang kabastusan na ginawa mo. Naging persona non grata pa siya ng QC dahil pati ang seal ng lungsod hindi niya iginalang.
“Dapat isipin mo na meron after effect ang ginagawa mo na baka maging dahilan ng mas malaking damage para sa iyo. Magkano ba ang ibinayad, masyado bang malaki para talikuran mo na ang lahat lahat pati pakikisama ?
“Sayang, lalo pa nga at sa ganitong panahon, mas marami kang friends , the better. Hay naku, isip isip kasi, gamitin ang utak,” payo pa ni Lolit.
Lolit Solis kay Ai Ai sa pagiging Persona Non Grata nito; “gamitin kasi ang utak”
Source: Babaero Balita


0 Comments