Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Matapos ma chismis na hiwalay na, Liza at Enrique may balak na raw palang magpakasal?

Magpapakasal na nga ba sina Liza SOberano at Enrique Gil?

Nabulabog ang social media nitong nagdaang mga araw lamang hingil sa isyu ng di-umano’y hiwalayan ng isang sikat na loveteam na magkasintahan din in real life.

Lumitaw ang pangalan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa naturang bulong bulungan at naisip ng ilang netizens na marahil sila na nga ang naghiwalay dahil na rin sa recent events ng dalawa.

Ngunit mabilis din namang pinabulaanan ni Ogie Diaz ang naturang bulong-bulungan at sinabing matatag pa rin sa kasalukuyan ang relasyon ng dalawa.


Samantala sa kaniyang latest showbiz update ay napag-usapan nina Ogie Diaz at kapartner nito na si Mama Loi ang tambalang LizQuen nina Liza at Enrique, dito ay tahasang tinanong ni Mama Loi kung binabalak na ba at totoo ang chismis na ikakasal na ang LizQuen?

“Teka-teka sandali, nakakaloka kayo. ‘Yung kasal-kasal, actually, noon pa nila napag-uusapan ‘yan na dadating din ang time na sila ay magse-settle down. Pero hindi pa ngayon!” diretsong sagot din ni Ogie.

Ipinaliwanag ni Ogie na sa kabila ng usap-usapang ito ay marami pa umanong nais abutin na kani-kaniyang pangarap ang dalawa partikular na si Liza sa showbiz.

“Kasi marami pang pangarap si Liza at si Quen. Although, si Quen baka maagang magre-retire sa showbiz hindi natin alam kung ilang taon na lamang kasi mas gusto ni Quen na mag concentrate sa negosyo.

“Pero hindi rin natin alam baka magbago ang isip kasi sayang din naman ang opportunities na dumarating sa kanila at ang daming offers sa LizQuen.

“Si Liza naman ay alam ko na talagang gusto niyang ma-fulfill ang kanyang Hollywood dream at ma-achieve ito. Although hindi ganu’n kadali ang pagpasok sa Hollywood pero ita-try pa rin ni Liza kaya nga she keeps on sending mga auditions/VTRS sa mga agency dito (Los Angeles).

“At alam ko si Quen alam ‘yan na may pangarap si Liza kaya hihintayin ‘yan ni Quen bago bago sila mag-settle down, so at least lumabas ang totoo na walang kinalaman si James Reid at hindi siya dahilan para mag-split sina Liza at Enrique.

“Talagang ganu’n lang ka-solid ang kanilang friendship at ang alam ko hihintayin ni Quen ‘yung panahon o oras sasabihin sa kanya ni Liza na, ‘ I’m done okay na ako and let’s settle down.’,” ani Ogie.

Nabanggit din nito na masyado ng matatag ang relasyon ng dalawa at tiyak na doon na rin patungo ang lahat ngunit mabuting hintayin na lamang ang anunsyo ng dalawa, “So, hintayin natin ‘yan, okay? Ang bottomline, sila pa rin hanggang ngayon and until forever,” pagtatapos ni Ogie.



Matapos ma chismis na hiwalay na, Liza at Enrique may balak na raw palang magpakasal?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments