Mapanakit lalo ang bagong kanta ni Moira na may titulong ‘Kumpas’
Viral ngayon ang bagong single na inilabas ni Kapamilya singer songwriter na si Moira Dela Torre na may titulong ‘Kumpas’.
Nitong nakalipas na araw lamang ay ini release na ni Moira ang official Lyric video ng naturang kanta na siyang nagbigay kurot agad sa mga nakapakinig.
Una itong ipinarinig nang noo’y magkasama pang sina Moira at Jason kina Kathryn at Daniel na kalauna’y naging official sound track na ng serye nilang ‘2 Good 2 Be True‘.
Tunay ngang naging mapanakit par sa mga tagapakinig ang naturang kanta lalo pa’t kakadaan lamang ni Moira sa isang matinding pagsubok, ang naging hiwalalayan nila ng asawang si Jason matapos ang mahigit sa tatlong taon pa lamang na mag-asawa.

As of this writing ay pumalo na sa mahigit sa 560k views ang naturang lyric video sa oggicial YouTube account niya.
Pumalo naman na sa mahigit 5.8million views ang video niya sa Tiktk habang inaawit ang naturang kanta.
“Ikaw ang kumpas ‘pag naliligaw, Ikaw ang kulay sa langit na bughaw, Sa bawat bagyo na dumadayo, Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
“Kahit hindi mo alam Ilang beses mo akong niligtas, Ikaw ang hantungan, at aking wakas,” bahagi ng kanta na pinakamapanakit umano ayon sa mga nakapakinig na.
Ang iba naman ay nagbahagi ng kanilang reaskyon hingil sa kanilang naramdaman matapos na mapakinggan ang naturang kanta.

“When I heard this song, si God naisip ko specially in the last lyrics na “Kahit no’ng ‘di ko alam, ilang beses mo akong niligtas Ikaw ang hantungan at aking wakas.”
“There are times when we didnt notice the presence of God lalo na sa mga oras na sobrang saya natin. Pero nandyan pa rin sya sa kabila ng imperfections natin. He will never ever forget you. Thank you Moira for always reminding us how God is good to us.”
“When all of a sudden, this song hits different now. Knowing they composed this (Moi & Jason) for KathNiel’s new teleserye “Too Good to be True” and relating it on their real life relationship as well as a couple.
“Now that we know how hard it is for Moira (and for Jason) what is it their current situation, this song is definitely a life saver. “Ikaw ang kumpas (Compass), kapag naliligaw.” Mahigpit na akap uli, Moi.”
Panoorin at pakinggan ang Lyric video ng ‘Kumpas’:
Bagong kanta ni Moira na ‘Kumpas’ viral dahil sa mapanakit nitong mensahe
Source: Babaero Balita


0 Comments