Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Janice nagkwento patungkol sa naging tagpo nila ng kabit ng ex husband niya

Ano nga ba ang nangyari sa pagtatagpo nina Janice at kabit ng ex husband niya?

Naging maingay kamakailan ang isang podcast na dinaluhan ni Janice De Belen, kasama ang kapatid na si Gelli at mga kaibigang Carmina Villarroel at Candy Pangilinan.

Naikwento kasi ng aktres sa naturang podcast ang nangyari noong nakompronta niya ang noo’y kabit ng asawa niya na tila ba eksena umano sa isang teleserye.

Hindi man tahasang pinangalanan ni Janice ang mga involved sa kaniyang kwento ay hindi rin naman na lingid sa kaalaman ng lahat ang naging relasyon nila ni John Estrada.


Si John Estrada ang una niyang naging asawa at kinasal sila noong 1992, napawalang bisa naman ito ng maghiwalay sila taong 2004. Sa kaniyang pagkukwento ay nakaharap niya noon ang kabit ng asawa ng mismong ito pa ang magimbita sa kaniya upang magkita.

“Because she’s involved in a big management company, the head of the management company called me, and asked me kung puwede kaming mag-usap, kasi magso-sorry daw sa akin.

“O, e, kayo naman ang may gusto, e. Pero ang gusto ko nandiyan kayo sa kuwarto. Para kapag sinabi niya sa inyong sinampal ko siya, sinampal ko talaga siya, di ba?’” pagku-kwento ni Janice.

Dahil sa pagku-kwentong ito ni Janice ay natanong na rin siya ng mga kaibigan kung nagawa niya bang sampalon o saktan ang naturang babae.

“Hindi, kasi I’m bigger than that. Sayang yung effort ko na iyon,” sagot niya. Samantala humingi naman umano ng tawad ang babae sa nagawa niya.

“’I’m sorry, I did not know.’(Sabi ng kerida) Sabi ko, ‘You did not know what? You did not know he’s married? You did not know artista yung asawa niya? O you did not know anything?’”

“Sabi ko, ‘Wala ka bang nanay, lola, kapatid, best friend na sinasabi sa iyo, ang lalaki sasabihin sa iyo kahit na ano just to get in your pants? Wala bang nagsabi nu’n sa iyo?’” patuloy pang pagbabalik-tanaw ng aktres.

“E, siyempre, nag-monologue na ako. ‘Pasalamat ka, ako yung asawa. Dahil kung hindi, puwedeng, one, patay ka na.’ O, di ba? E, di siya tagarito, e. Working visa lang siya dito.

“’Two, deported ka na. Or three, wala ka nang trabaho.’ Kasi puwede mo siyang hiyain to a point na mapi-pressure, na mawawalan ng trabaho, tanggalin siya sa trabaho.

“But I chose to not do. Sabi ko, ‘So, masuwerte ka pa….’ Tapos sabi niya, ‘It’s not going to happen.’ Sabi ko sa kanya, ‘Alin, magbi-break na kayo?’ Ang sabi ko, ‘Tapos na kayo?’” kwento ni Janice.

Wala na umanong nasabi pa ang babae sa kaniya matapos niyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin dito, dahilan upang matapos na rin ang pagkikita nila.

“Tinapos ko na kasi there’s no point in…papahabain ko meeting? So, pagtayo ko, siyempre, nandoon siya sa may pintuan palabas.

“Naramdaman ko nanginginig siya. Nakita ko nanginginig siya. In fairness to her, nanginginig siya sa takot. Sabi ko sa kanya, ‘O, relax. Kung gusto kitang saktan, kanina pa kita sinipa.’ Tapos I left,” ang one-liner pang dialogue ni Janice.

At sa tanong ng mga kasamahan niya sa podcast kung kailan niya napagtanto na dapat na niyang iwan ang kanyang asawa, “It’s the loss of respect.”

“We can talk a million things. You can say, ‘Naku, pag nakita ko ’yan, tatakdyakan ko ’yan, sasampalin ko ’yan. But when you’re there in the situation, you will not know exactly what to do. You will not know,” dagdag pa nito.



Janice nagkwento patungkol sa naging tagpo nila ng kabit ng ex husband niya
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments