Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Denise Laurel, ginulat ang mga kaibigan at fans dahil sa ‘cyst’ na tinanggal sa kanyang ulo

Ginulat ni Denise ang marami sa isang bagay na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account

Sinurpresa ni Denise Laurel ang kanyang mga followers kahapon, June 12, matapos ibahagi sa Instagram ang larawan ng cyst na tinanggal sa likod ng kanyang ulo.

Ang aktres ay nagkaroon ng operasyon noong Hunyo 9, ngunit tinalakay lamang ito sa publiko tatlong araw pagkatapos ng kanyang operasyon.

“06.09.22 I gave birth! lol jk Meet Harry the cyst haha Thank you to @draivee @drzteo and Doc Angeles for helping me get this little guy out who was resting in the back of my head!!!


“Sooooooo much relief from the pressure in my head that I’ve been just sucking up and dealing with,” ibinunyag ng aktres. Idinagdag pa ng Kapamilya actress na medyo matagal na raw siyang kinukulit ni ‘Harry the cyst’.

Nasasabik naman si Denise makakuha ng mas magandang sleeping pattern ngayong naalis na ang cyst sa kanyang katawan.

Samantala, nagpahayag siya ng pasasalamat sa pangkat ng mga doktor na tumulong sa kanya sa matagumpay na operasyon.

Ang mga celebrity doctor na sina Dr. Aivee Teo at Dr. Z Teo, na kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe, ay naglaan pa rin ng oras para tumulong at sagutin ang lahat ng tanong ng aktres kahit libu-libong milya ang layo nila sa bansa.

“I am sooooooo grateful for them looking out for me even if they are in the midst of a beautiful vaca in Europe! Surgery was fast and easy! The team totally took care of me,” dadag ni Denise.

Pagkatapos ng kanyang operasyon, ibinunyag ni Denise na parang hindi lang siya nanggaling sa isang procedure dahil pumasok siya kaagad sa trabaho.

Sinugod ng mga kaibigan at followers ng aktres ang comment section ng kanyang post, karamihan ay laking gulat nila nang malaman na mistulang sibuyas ang kinuhang cyst sa kanyang ulo.

Mabilis nilang ipinarating ang kanilang magandang pagbati para sa kanya at nanalangin para sa kanyang mabilis na paggaling.



Denise Laurel, ginulat ang mga kaibigan at fans dahil sa ‘cyst’ na tinanggal sa kanyang ulo
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments