Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Ogie sinupalpal ang basher na hindi maka gets ng joke at sinabihan siyang magparetoke ng ilong

Sinupalpal ni Ogie ang isang basher patungkol sa ibinahagi lang naman niyang joke

Sinupalpal ni showbiz manager at vlogger na si Ogie Diaz ang isang netizen na tila indi marunong magbasa ng isang joke.

Sa kaniyang facebook account kasi ay nagbahagi ng kaniyang litrato si Ogie Diaz kaakibat ang isang nakakatawang caption.

“35 years na rin naman ako sa entertainment industry. Kung wala pa akong nararating, nakakahiya naman sa sarili ko. Ibig sabihin, di ko ginamit ang utak ko, ang talento ko, para marating ang kung anuman ako ngayon.


“Saka deserve ko rin naman ito. Bugbog na yung luma ko. Naghihingalo na, ika nga, kaya dapat nang bumili ng bago. Namili ako kung anong kulay. Merong red, yellow, black, white, silver. Ang tagal ko pang nag-decide. Itong green ang napili ko. Masarap sa mata. Lutang na lutang. Mapapansin agad ang bago kong biling charger,” sabi nito na charger pala ang pinatutungkulan.

Sa unang tingin nga ay tila ang sasakyan kung saan siya nakasandal ang nais niyang ibida ngunit ang charger na hawak niya pala ang pinatutungkulan niya.

Na pick up ito ng showbiz website na Kami at sa kanilang facebook page ay ibinahagi ito, ngunit isang marites ang tila hindi nakaintindi sa joke at nilait pa nga si Ogie Diaz.

Sa kaniyang panibagong facebook post ay ibinahagi ni Ogie ang naturang kumento ng babae na talaga raw na napukaw ang atensiyon niya.

“May pumukaw lang ng atensyon ko sa comment section ng post ng Kami. Itong si kagandahang Sarah Avancena. And to quote her:,” ani Ogie na ibinahagi ang kumento ni Avancena.

“Tama ka lutang na lutang ang kulay nga napili mo, pasalamat ka sa viewers mo sa iyong you tube nga tinangkilik nila kong wala sila hindi ka makabili ng ganyan sasakyan.. kaya pasalamat ka sa subscriber mo ilong, sunod mong iparetoki mo ang ilong mo.. para lalo kang maging guapa..”

“Ok. Hindi na ako magko-concentrate sa kabobohang umintindi, doon na lang ako dadako sa gusto niyang magparetoke ako ng ilong,” hirit ni Ogie.

“Ateng, okay yung suggestion mo na magparetoke ako ng ilong kung feeling mo eh yung ilong mo ang batayan ng magandang ilong.

“Napa-stalk tuloy ako sa mga posts mo na mas madalas ka pang magpalit ng profile pic kesa mag-post ka ng mga concerns mo sa lipunan. So after my thorough evaluation, napabuntong-hininga na lang ako,” dagdag nito.

“So, ganito, Sarah… ‘wag kang nagsa-suggest na “magparetoke ako ng ilong” kung may kapareho din akong ilong sa miyembro ng pamilya mo,” hirit pang muli ni Ogie.

“Baka magtampo sila sa yo. Sa ilong ng ibang tao, concerned ka. Tapos, sa ilong nila, hindi.

“Tingin muna sa salamin, teh. O kung walang salamin, tingin din sa loob ng pamamahay mo, baka mas kailangan nila ng suggestion mo kesa kailangan ko.”

Sa huli ay tinanong nito kung anong filter ang ginamit niya kasunod ang pagsasabi ng kagustuhan nitong regaluhan si Sarah ng manika at karayom.

“Saka ang kinis mo sa profile pic mo, teh, ha? Anong filter app yan? Actually, sa sobrang ganda mo, gusto kitang regaluhan ng manika at karayom,” ani Ogie.



Ogie sinupalpal ang basher na hindi maka gets ng joke at sinabihan siyang magparetoke ng ilong
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments