Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Whamos tinakpan ang mukha at nag ala Coco Martin para hindi mapaglihian?

May pagbibirong ibinahagi si Atonette at Whamos sa kanilang latest video

Sa isa sa mga latest video na ibinahagi ng social media influencer na si Antonette Gail, ang partner at nobya ni Whamos, ay mapapanood ang nakakatawang ginawa ni Whamos.

Sa nasabing video ay natatawang ibinahagi ni Antonette ang paglalagay ni Whamos ng maskara sa sarili at makikita ang mukha ni Coco Martin.

Matatandaang kamakailan lamang nang inanunsiyo ng dalawa ang pagdadalang tao ni Antonette at masaya ang kanilang buong pamilya dahil sa pangyayari.


Sa pamamagitan din noon ng isang video ng inanunsyo nila ang pagdadalang tao ni Antonette kung saan masaya niya itong sinabi kay Whamos at sa buong pamilya nila, pumalo nga agad iyon sa ilang milyong views at nag congratulate ang marami sa couple.

At sa latest video nga nilang dalawa ay ipinakita ni Antonette ang dyowang si Whamos habang nagsusuot ng maskara at tinatakpan ang mukha.

“Sabi niya, ayaw niyang maging kamukha yung baby namin. Sa akin, okay lang yun kasi gift ni God sa amin yun at tanggap na tanggap ko kung ano ang magiging itsura ng anak namin kasi blessing yun from God,” panimula ni Antonette.

Ipinagtanggol pa muli nito ang dyowa at sinabing wala namang mali kay Whamos at para sa kaniya ay pogi naman umano ito.

“Tsaka ang pogi naman si Whamos. Ano bang mali sa kanya? Mapayat lang talaga siya tsaka aanhin naman diba yung kapogian kung pangit naman yung ugali?.

“Kaya mas lamang pa rin sa akin yung maganda yung kalooban, maganda yung ugali para mahalin ang isang tao,” ani Antonette.

Samantala si Whamos naman ay nagpatuloy sa pagsuot ng maskara kung saan mukha ni Coco Martin ang makikita, “Pag si Coco Martin pinaglihian mo, maniwala ka, ang tagal ng buhay ng anak natin,” pabirong sabi nito.

Tila nga buo idinadaan na lamang sa biro ni Whamos ang lahat nang natatanggap niyang panlalait mula sa ibang netizens.

Matatandaan din kasing nag viral ang isa sa mga post niya na hinihiling niya sa anak na sana’y hindi niya ito maging kamukha upang hindi maging tampulan ng pangungutya mula sa netizens.

“WAG MO SANA AKO MAKA MUKA BABY PARA DIKA MAKARANAS NG PANG LALAIT NG IBANG TAO,” ani Whamos.

Read More here:

Whamos inaming ayaw maging kamukha nito ang anak niya?



Whamos tinakpan ang mukha at nag ala Coco Martin para hindi mapaglihian?
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments