Naglabas ng kaniyang saloobin si Nash Aguas sa muli niyang paglabas sa Ang Probinsyano
Nagbalik ang aktor na si Nash Aguas sa pag-arte sa pamamagitan ng muling pagganap sa kanyang papel bilang batang Cardo Dalisay sa top-rating action-drama series ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.
Nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang aktor kasabay ng pagbabahagi ng mga behind-the-scenes na larawan niya sa set nang kunan nila ang kanyang mga eksena.

“7 years ago, I was fortunate enough to play Cardo/Ador and be part of a project that would later cement its legacy as one of the most loved teleseryes in the PH. 7 years later, though a lot has changed, the passion and heart of this show stayed the same,” wika ni Nash sa kanyang post.
Sinabi ni Nash na nagpapasalamat siya sa pagkakataong makatrabaho muli si Coco Martin, ang kanyang co-director na si John Prats, at ang beteranang aktres na si Charo Santos-Concio kung saan nakasama niya sa ilang mga eksena.

“To be working with Ma’am Charo and directed by kuya Coco and kuya Pratty, is definitely one for the books. I’m truly honored and forever grateful,” aniya.
Noong nakaraang taon ay pansamantalang nagpahinga ang 23 taong gulang na aktor sa pag-arte para bigyang prayoridad ang kanyang karera sa politika matapos siyang tumakbo bilang konsehal sa Cavite City – kung saan siya ay nanalo nitong nakaraang Mayo.

Bago bumalik sa Ang Probinsyano, napanood si Nash ABS-CBN inspirational series na Huwag Kang Mangamba.
Isa rin siya sa mga bumida sa primetime teleserye na A Soldier’s Heart, na ipinalabas noong 2020. Ang FPJ’s Ang Probinsyano ay napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Cinemo, Kapamilya Online Live, Iwanttfc, Wetv, at Iflix.
Nash Aguas masaya sa paglabas niyang muli sa ‘FPJ’S Ang Probinsyano ‘
Source: Babaero Balita


0 Comments