Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

https://barberobalita.blogspot.com/p/contact.html

Staff ng Tropical Hut nagulat sa ginawa sa kanila ni Angeline Quinto

Bumisita si Angeline Quinto sa isa sa restaurant ng Tropical Hut at umorder ng lahat na nasa menu nito

Sa latest YouTube vlog ni Kapamilya singer actress na si Angeline Quinto ay ibinahagi nito ang isang naiibang vlog niya na ikanatuwa ng marami.

Binisita ni Angeline ang isa sa pinag-uusapang restaurant ngayon na ‘Tropical Hut’ at ginawa ang challenge na bibilhin ang lahat ng nasa menu nito.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang ‘Tropical Hut’ matapos na may nagbahagi ng litrati niya sa Tropical Hut na mag-isa lamang siyang kumakain.


Dahil dito ay naging usap-usapan ang restaurant kung saan ang ilan ay nagbahagi ng kanilang hindi malilimutang experience rito, dahilan ito upang muling magsidagsaan ang mga netizens sa restaurant at tila ba muling nabuhay ito dahil sa dumarami muling customers.

Kasama ang kaniyang nobyo at ilang kaibigan pa ay ay tinungo ni Angeline ang isang branch ng Tropical Hut at doon ay umorder ng lahat ng nasa menu ito.

Isiniwalat pa nito na naging favorite niya ang restaurant dahil sa paborito rin ito ng kaniyang Mama Bob mula pa noon.

“Ang tropical burger alam ko yun yung pinaka masarap.. kay Mama Bob ko yan natutunan, actually ang Mama Bob.. favorite niya ang Tropical Hut noon pa,” sambit ni Angeline.

Nang umorder na ito sa cashier ay sinabi nito na o-orderin niya ang lahat na nasa Menu dahilan upang matuwa ang mga staff nito.

“Ma’am natanggal ang pagod namin ma’am,” sigaw ng isa sa mga staff nito matapos makilala na si Angeline ang nasa harapan nila at umorder ng marami.

Samantala habang kumakain naman ay ibinahagi ni Angeline ang dahilan niya kung bakit niya napiling gawin ang naturang vlog.

Napansin umano ni Angeline ang naging viral tweet ukol sa Tropical Hut ay naantig siya at dahil sa naalala niya ang paborito ni Mama Bob kaya niya ito nagawa.

Naalala rin umano niya na sa lugar na iyon kung saan malapit ang Tropical Hut nagsimula ang journey niya sa pag-o audition sa Star Power ng ABS-CBN kung saan siya ang itinanghal na winner.



Staff ng Tropical Hut nagulat sa ginawa sa kanila ni Angeline Quinto
Source: Babaero Balita

Post a Comment

0 Comments